Dear Caloy...
Magka-ayos na kaya ang Yulo family?
Well, sana naman po. At magandang senyales ang na-witness namin nung Lunes sa Manila Hotel.
Awards Night ng Philippine Sportswriters Association kung saan kabilang tayo at ginawaran si Caloy Yulo ng Athlete of the Year Award.
Alam natin ang nangyari before the Paris Olympics kung saan nanalo si Caloy ng dalawang gold medals sa gymnastics at umani ng mahigit P100 million na incentive.
May cash, may kotse, may condominium, may house and lots etc.
Samantala, lumalim naman ang hidwaan ni Caloy at kanyang mga magulang. Dehins sila nag-uusap. May samaan ng loob.
Nadamay ang mga kapatid. Pero sa PSA event, dumating ang batang kapatid ni Caloy na si Eldrew na isa ring magaling na gymnast. Awardee din.
Nagkita ang mag-utol at nagyakapan sa harap ng mga cameras. Ang sabi ni Eldrew, first time niya nayakap ang kuya niya mula nung Paris Olympics.
Sana ay umabot sa mga magulang nila ang gayuma at magbati na silang lahat. Sana peace in the family.
Ang good news, oras na magbati sila, may pangako si Gov. Chavit Singson na P5 million para sa pamilya.
Sige na po, magbati na kayo.
- Latest