^

PSN Palaro

Perdido out sa UAAP Season 87

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa nagsisimula ang bakbakan sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament ngunit ba­ngas na agad ang lineup ng University of Santo Tomas.

Hindi masisilayan sa season na ito si outside hitter Jonna Perdido matapos magtamo ng anterior cru­ciate ligament (ACL) tear sa kanyang kaliwang tuhod.

Natamo ni Perdido ang naturang injury sa laban ng Golden Tigresses kontra sa Far Eastern University sa bronze-medal match ng Shakey’s Super League noong Nobyembre.

Ngunit nadiskubre ang lala ng injury nito kama­kailan lamang dahilan para alisin na muna ito sa lineup ng Golden Tigresses para sa nalalapit na pagbubukas ng volleyball season sa susunod na buwan.

Mangangailangan si Perdido ng anim na buwan na rehabilitasyon upang tuluyang gumaling ang injury nito.

Umaasa ang kampo ng Golden Tigresses sa mabilis na paggaling ni Perdido upang makasama itong muli sa susunod na season ng liga.

Malaking kawalan si Perdido para sa Golden Tigresses lalo pa’t isa ito sa inaasahan ng tropa sa scoring department.

Dahil dito, maiiwan ang pasanin kay outside hitter Angeline Poyos na siyang scoring machine ng Golden Tigresses.

Makakatuwang ni Po­yos sa ratsada sina wing spiker Regina Jurado at playmaker Cassie Carballo gayundin sina Xyza Gula at Kyla Cordora.

Matatandaang tumapos ang Golden Tigresses bilang runner-up sa UAAP Season 86 kung saan natalo ito sa finals laban sa reigning champion National University.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with