^

Police Metro

Digong pinatatanggalan ng lisensya bilang abogado

Mer Layson - Pang-masa
Digong pinatatanggalan ng lisensya bilang abogado
The Senate Blue Ribbon Committee secretary administers the oath of former President Rodrigo Roa Duterte Monday, Oct. 28, 2024 before he begins his testimony before the subcommittee investigating motu proprio the alleged extra-judicial killings during his administration.
Senate Public Relations and Information Bureau

MANILA, Philippines — Ilang human rights advocates at mga pamilya ng umano’y biktima ng extrajudicial killings ang nagsampa ng disbarment complaint kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.

Ani human rights group Karapatan Secretary General Cristina Pala­bay, hindi karapat-dapat na abogado si Duterte.

Sa kanilang reklamo, sinabi nilang nilabag ni Duterte ang Code of Professional Responsibi­lity and Accountability at “conduct unbecoming a lawyer.”

Ayon naman kay Atty. VJ Topacio, mataas ang pamantayan ng ethics sa mga abogado at nakita naman noong nagdaang administrasyon ang lantarang pambabastos at pambu-bully umano ni dating Pangulong Duterte.

Giit ni Atty. Topacio, walang karapatan ang dating Pangulo na maging abogado nang ipakita nito kung paano niya hindi sundin ang mga proseso at balewalain ang mga batas sa bansa.

Kasama si Topacio sa mga complainant na nagtungo sa Korte Sup­rema nitong Biyernes para hilingin na ipa-disbar ang dating Pangulo.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with