Lalaking maingay sa inuman, pinosasan at sinapak ng mag-asawang Brgy. officials
MANILA, Philippines — Posibleng maharap sa reklamo ang isang barangay chairman at misis nitong kagawad matapos na sapakin ang isang lalaki na kanilang pinosasan dahil sa pag-iingay sa inuman sa Sta, Ana, Maynila nitong Lunes, Enero 13.
Makikita sa video ang magkakasunod na sapak na inabot ng lalaking nakaposas mula sa barangay chairman na sinundan pa ng sapak din mula sa misis na kagawad ng barangay 901.
Nabatid na anim ang inaresto kabilang ang nasapak, dahil sa maingay nilang pag-iinuman.
Nakapiit ang mga ito sa Sta. Ana Police Station .
Hindi pa nagbibigay ng komento ang biktima kung maghahain siya ng reklamo laban sa mag-asawang opisyal ng barangay.
Wala ring naging pahayag o paliwanag ang mag-asawang nanapak.
- Latest