^

PSN Palaro

Batang Pier pinigil ng Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier pinigil ng Bolts
Nakalusot si Meralco guard Chris Newsome sa kanyang NorthPort defender.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pinurnada ng Meralco ang misyon ng NorthPort matapos agawin ang 111-94 panalo sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Ipinoste ng Bolts ang 6-3 baraha para makalapit sa isa sa walong quarterfinals spot, habang nadiskaril ang pagdikit ng Batang Pier sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa kanilang 7-2 marka.

“We played better defense as a team. We know this team can score the ball. They got guys like (Joshua) Munzon, (Arvin) Tolentino, (William) Navarro, their import also a perfect fit for them,” ani Meralco coach Luigi Trillo.

Umiskor si import Akil Mitchell ng 30 points habang naglista si Chris Banchero ng bagong career-high na 25 markers bukod sa 6 assists at 4 rebounds.

“It was a very important game for us. I  was really excited to play NorthPort tonight because They were playing the best in this conference, so we really wanted to see where we at as a team and I thought we responded well tonight,” ani Banchero.

Pinamunuan ni reinforcement Kadeem Jack ang NorthPort sa kanyang 29 points at may 19, 12 at 11 markers sina Tolentino, Munzon at Navarro, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 24-21 bentahe sa first period ay pinalobo ng Bolts ang kanilang kalamangan sa 58-46 sa pagbubukas ng third quarter.

Napababa ito ng Ba­tang Pier sa 66-73 tampok ang reverse dunk ni Jack sa 2:34 minuto ng nasabing yugto.

Ngunit hindi bumigay ang Meralco at muling nakalayo sa 101-85 sa 3:56 minuto ng fourth period mula sa baseline slam dunk ni Chris Newsome.

Ang magkadikit na three-point shot nina Jolo Mendoza at Newsome sa huling 2:39 minuto ng bakbakan ang tuluyan nang nagbaon sa NorthPort sa 109-87.

Muling sasalang ang Bolts sa Sabado kontra sa San Miguel Beermen (5-4) sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.

Pipilitin naman ng Batang Pier na makaba­ngon mula sa kabiguan sa pagsagupa sa Rain or Shine Elasto Painters bukas sa PhilSports Arena sa Pasig City.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with