^

Bansa

‘HIV-infected’ na karayom sa blood tests, fake news - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag maniwala sa kumakalat na social media post hinggil sa isang miyembro ng “Faculty of Medicine” na nagbabahay-bahay para sa blood sugar test na ang mga karayom na ginagamit sa pag-iniksyon ay kontaminado umano ng HIV, ang virus na sanhi ng AIDS.

Wala anyang katotohanan ang nasabing mensahe na may layunin lamang na manakot.

“The Philippine National Police has also debunked this message, confirming that it is a scare tactic with no factual basis,” anang DOH.

Hinihimok ng DOH ang publiko na huwag i-share ang mga hindi na-verify na claim na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang alarma.

Payo ng DOH sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga lehitimong mapagkukunan at platforms tulad ng DOH.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with