^

Bansa

RPMD inilabas ‘Boses ng Bayan’ Senate 2025 survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Statistically-tied sina Sen. Bong Revilla Jr. (53%) at Rep. Erwin Tulfo (52%) sa ika 1-2 pwesto sa “Boses ng Bayan” survey na inilabas ng RPMD Foundation Inc. hinggil sa ‘senatorial preferences’ para sa nalalapit na halalan ng 2025.

Sinundan sila nina Sen. Bong Go (50%) at dating Sen. Tito Sotto (49%) sa ika 3-4 ranggo; dating Sen. Manny Pacquiao ika-5 (46%), broadcaster Ben Tulfo ika-6 (43%), habang sina Sen. Pia Cayetano (40%) at dating DILG Sec. Benhur Abalos Jr. (39%) ay tied sa ika 7-8. Si Sen. Francis Tolentino (36%) ay nasa ika-9, at Cong. Camille Villar (33%) nasa ika-10 pwesto.

Ranked 11th-13th sina Sen. Imee Marcos (30%), dating Sen. Ping Lacson (29%), at Sen. Lito Lapid (28%), habang ang celebrity host na si Willie Revillame ay ika-14 na may 25%.

Tabla sina Sen. Bato dela Rosa (22%) at ­Mayor Abby Binay (20%) sa ika 15-16; dating sen. Kiko Pangilinan, dating Gov. Chavit Singson, at dating sen. Bam Aquino nasa ika 17-19 na may 17%, 17%, at 16%, ayon sa pagkakasunod, at Rep. Wilbert Lee na nasa ika-20 (13%).

Si Doc Willie Ong (9%) at dating Sen. Gringo Honasan (8%) ay nasa 21-22, kasunod sina Cong. Bonifacio Bosita (6%), Cong. Dante Marcoleta (5%), at actor na si Philip Salvador (4%) sa ika 23-25 pwesto.

Binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang kahalagahan ng survey sa pagkuha ng tunay na saloobin ng mga botante sa buong bansa.

Ang survey na ginawa mula Disyembre 20-28, 2024, ay may 3,500 kalahok.

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with