^

Dr. Love

Paborito ni Ma’am

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Just call me Wilson, a teenager in my junior high. Hindi ako masyadong matalino pero magansa ang mga grades ko, na ang pinakamababa ay 87.

Favorite ako ng teacher ko na si Ms. Wilma at lagi ang nakaupo sa harapan malapit sa table niya. Mabait sa akin si Ms. Wilma at lagi pa akong nililibre kung recess lalo na kapag may ini-utos siya sa akin.

Maganda at sexy siya at ang kagandahang loob niya ay napagkamalan ko na may gusto siya sa akin. 

Kaya gumawa ako ng love letter na ipinadala ko sa kanya. 

Nang pumasok ako kinabukasan ay sinabi niyang mag-usap kami. Kinabahan ako at baka siya ay maglit. Sa canteen halos pabulong ang salita niya. 

Sabi niya parang batang kapatid ang trato niya sa akin dahil kamukha ko ang batang kapatid niya na namatay sa pagkalunod.

Mula noon ay binawasan na niya ang closeness sa akin at nasaktan ako. 

Hindi na ako makapag-concentrate sa lessons. Ano ang gagawin ko?

Wilson

Dear Wilson,

Bata ka pa at kapag nagkaedad ka, mauunawaan mong tama ang iyong guro at malamang tawanan mo na lang ang pangyayaring naganap sa panahon ng iyong kabataan. 

Mahalaga ang edukasyon kaya huwag mong guluhin ang utak mo para masira ang pag-aaral mo. 

Mag-aral kang mabuti dahil duyan nakasalalay ang future mo at ng iyong magiging pamilya.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with