^

PM Sports

Paglalaro ni Romeo hinihintay ni Manuel

Russell Cadayona - Pang-masa
Paglalaro ni Romeo hinihintay ni Manuel
Vic Manuel

MANILA, Philippines — Umaasa si veteran for­ward Vic Manuel na ma­kakalaro na si Terrence Romeo para makuha ng Ter­rafirma ang unang pa­nalo sa Season 49 PBA Com­missioner’s Cup.

Mula nang i-trade ng San Miguel Beermen sa Dyip kasama si Manuel ay hindi pa naglalaro si Ro­meo.

“Sa pagbalik namin ng bagong taon, sana makalaro na siya, makuha namin ‘yung first win namin,” wika ng 37-anyos na si Ma­nuel sa 32-anyos na si Ro­meo.

Wala pa ring panalo ang Terrafirma sa kanilang pitong laro sa komperensya.

Nagmula ang Dyip sa 112-124 kabiguan sa Rain or Shine Elasto Painters (4-1) noong Linggo.

“Malungkot ‘yung Pas­ko ko ngayon kasi first time na winless sa confe­rence,” sabi ng No. 9 overall pick ng B-Meg Llamados (nga­yon ay Magnolia Hotshots) noong 2012 PBA Rookie Draft.

Sunod na lalabanan ng Terrafirma ang Phoenix (1-5) sa Enero 7 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Samantala, magtutuos bukas sa Araw ng Pasko ang Barangay Ginebra (3-2) at Magnolia (2-4) sa alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon ay maghaharap ang Meralco (3-1) at mainit na Converge (5-2).

Sumasakay ang Fiber­Xers sa three-game winning run.

PBA

VIC MANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with