^

Probinsiya

28 ipinagbabawal na paputok inihayag ng PNP

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas na ng pulisya ang opisyal na listahan ng mga ipinagbabawal na pailaw at paputok na naglalayong maiwasan ang aksidente at masi­guro ang kaligtasan ng publiko sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa report na inilabas ng Police Regional Office 3 (PRO3), ipinagbabawal ang watusi, piccolo, poppop, five star (big), pla-pla, lolo thunder, giant bawang, giant whistle bomb, special, atomic bomb, atomic triangle, large-size Judas belt, goodbye delima, hello Columbia, goodbye napoles, super yolanda, mother rockets, kingkong, kwiton, super lolo, goodbye bading, goodbye Philippines, bin laden, coke-in-can, pillbox, kabasi, tuna at goodbye chismosa.

Ayon kay PRO3 regional director, PBrig. Gen. Redrico Maranan, ang mahigpit na pagbabawal sa mga nasabing paputok ay bahagi ng kampanya ng pulisya upang maiwasan ang pinsalang dulot ng ma­ling paggamit kabilang ang sunog, pagkasugat at pagkasawi.

“Mahalaga ang ­ating kaligtasan, Lalo na sa panahon ng pagdiriwang. Hinihikiyat namin ang publiko na huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok at ipagdiwang ang Bagong Taon sa pamamagitan ng mas mapayapa at ligtas na pamamaraan.Isaisip natin ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay,” anang heneral

Sinasabing ang lahat na mahuhuling lumalabag ay mahaharap sa kaukulang parusa alinsunod sa batas.

BAGONG TAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with