^

Pang Movies

Luis, mas naging wais

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Luis, mas naging wais
Luis

Si Rufa Mae Quinto ba ang sinasabi ng pulisya na isa pang sangkot sa violation ng securities law dahil sa endorsement niya ng produktong Dermacare na siyang dahilan din kung bakit nakasuhan at nakakulong ngayon ang dating aktres at negosyanteng si Neri Naig?

Ganyan din ang kaso ni Luis Manzano na wala naman talagang kinalaman sa mga investment at siya mismo ay investor din, pero muntik na siyang mada­may kung ‘di nga lang dinaan niya sa legal ang kanyang paghiwalay sa kumpanyang Flex Fuel, at nag-report pa sa NBI at humi­nging imbestigahan ang kumpanya nang mahalata niyang hindi na maganda ang nangyayari. Hindi na rin nabawi ni Luis ang kanyang perang nailagak sa kumpanya na kung ilang milyon din. Saka mabuti si Luis at napagpayuhan ni Budget Secretary Ralph Recto kung ano ang nararapat gawin.

Ganyan din ang nangyari kay Ricardo Cepeda na hanggang ngayon ay pansamantala lamang nakakalaya dahil sa bail, matapos ang halos isang taon siyang nakakulong.

Kaya nga ang tagubilin ngayon ng SEC sa mga artista, pag-aralang mabuti ang kanilang mga ginagawang endorsement dahil ang ginagawa nilang endorsement na sa tingin nila ay simple lamang, maaari pa rin silang masabit basta nagkaroon na ng problema.

Samantala, wala pang sinasabi ang pulisya kung sino ang iba pang sangkot, pero sinabi nilang may isa pang aktres na mas sikat kaysa kay Neri, at mayroon na ring warrant na hindi lamang nila maisilbi dahil hindi nila alam kung saan iyon pupuntahan pero idinadawit ng ang pangalan ni Rufa Mae Quinto.

Opisyal na babasahan ng demanda si Neri sa Enero 2025 matapos na ang kanyang abogado ay mag-petition at maghayag ng motion to quash, dahil sinasabi nga nilang wala namang kinalaman si Neri sa scam.

KathNiel fans, ‘di pa tanggap ang katotohanan

Mukhang kung anu-anong issue nga ang lumalabas ngayon tungkol kay Kathryn Bernardo lalo na’t inamin na niyang nanliligaw na nga sa kanya si Alden Richards. Mukhang hindi iyon matanggap ng ibang fans, lalo na at ang nakitang kasama ni Kathryn sa kanyang bagong bahay ay si Alden na nga samantalang sinasabi nilang nabuo iyon na ang kasama niya sa pangarap ay si Daniel Padilla.

Pero marami pa ring fans ang naniniwala na ang lahat ay promo lamang ng kanilang pelikula at pagkatapos niyan ay may posibilidad pa ring magkabalikan ang KathNiel.

“Never give up” ang sinasabi ng fans ng dating magkarelasyon.

Pero kung ako sa kanila, tanggapin na nila ang katotohanan na malabo nang magkabalikan ang kanilang mga idolo.

Pulitiko, nag-invest sa gay movie

Mukhang sa wakas nabigyan na rin ng pagkakataon ang male starlet sa tunay na pelikula ng isang lehitimong film company. Pero ang tema ng pelikula ay pang-gay pa rin. Na sinasabi naman daw ng male starlet na ok lang sa kanya dahil marami naman talaga ngayon ang nabubuhay na mga gay, bagama’t malakas pa rin ang discrimination sa mga bakla sa labas ng showbusiness.

Ang male starlet ay sinasabing ‘alaga’ ngayon ng isang gay politician, may usapan pa na ang gay politician ay sumosyo sa producer ng pelikula kaya kinuha ang male starlet na kulukadidang niya.

“Mukha ngang siya pa talaga ang namuhunan sa pelikula eh, inilagay lang sa pangalan ng film company para hindi masyadong obvious. Tumatanggap naman talaga ang mga film companies ng ganoong deal. Iba ang kapalit pero sila ang gagawa at sila rin ang bahala sa marketing ng pelikula. Kumukuha lang sila ng 17% mula sa kita ng pelikula o depende sa napagkasunduan nila ng kapitalista. Kung iyon naman ay gagawin para sa digital streaming lamang hati na lang sila sa kikitain ng pelikula. OK lang naman daw lahat iyon kay bakla dahil kung iyon nga ang hahawak pati sa legal na career ng male starlet, hindi pa rin siya maiiwan noon kahit na sumikat pa. Binibigyan kasi siya ng warning ng mga kaibigan niyang huwag ibigay lahat ng luho ng male starlet. Dahil oras na sumikat iyan, tiyak hihiwalayan na siya.”

Kabilang ‘yan sa laro ng ibang baklang mapera pero ‘di makalantad.

LUIS MANZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with