^

PSN Palaro

UP vs La Salle sa UAAP finale

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
UP vs La Salle sa UAAP finale
Umangat si Francis Lopez ng UP para sa kanyang tirada laban sa UST defenders.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Umusad sa Finals ang last year’s runner-up University of the Philippines matapos gilitan ang University of Sto. Tomas, 78-69 sa semifinals ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Lumaro sa semis ang Fighting Maroons na bitbit ang twice-to-beat advantage kaya isang panalo lang ang kailangan nila para umabante sa championship round.

Humugot ng lakas ang UP kay Harold Alarcon upang masabayan nila ang tikas at bangis ng Growling Tigers na No.3 seed sa team standings pagkatapos ng 18-game elimination round.

Nirehistro ni Alarcon ang 16 points para sa UP, 14 puntos ay sa second half niya itinarak.

Ginamit din ng Figh­ting Maroons ang kanilang experience sa dikdikang labanan kaya naman mu­li silang lalaro sa finals sa ika-apat na sunod na taon.

Ipinaramdam ng Grow­ling Tigers ang kanilang lakas sa unang dalawang periods ng makalamang ng dalawang puntos, 35-33 sa halftime.

Pero hindi nagpatinag ang Fighting Maroons, na­ging agresibo ito sa third quarter para maagaw ang lamang, 57-50, papasok ng fourth quarter.

Nagpatuloy ang mainit na laro ng UP sa payoff period kaya naman nanatili silang nasa unahan, 62-56 may 7:06 pa sa orasan.

Samantala, swak din ang defending champions De La Salle University sa finals matapos kalusin ang Adamson University, 70-55, sa second game ng semifinals match.

Pinamunuan ni reigning bact-to-back Most Valua­ble Player (MVP) Kevin Quiambao ang atake para sa La Salle upang isaayos ang finals date nila kontra UP. 

MEN

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with