^

Probinsiya

P55 milyon droga na nakumpiska ng PDEA, sinunog

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P55 milyon droga na nakumpiska ng PDEA, sinunog
Iprinisinta ng mga chemists ng PDEA-BAR sa mga local officials at mga reporters ang halos 10 kilong shabu bago ito sinunog nitong Miyerkules sa power-generating incinerator ng isang cornstarch factory sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Magkatuwang na sinunog nitong Miyerkules ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang abot sa P55 milyon na halaga ng shabu na nakumpis­ka sa iba’t ibang mga probinsya at lungsod sa Bangsamoro region nitong nakalipas na mga buwan.

Pinangunahan nila Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ng mga opisyal ng Bangsamoro regional police, mga state prosecutors at mga local executives ang isinagawang pagsira sa naturang mga illegal na droga gamit ang renewable power-generating incinerator ng Lamsan Incorpo­rated, isang cornstarch producer-exporter company sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Castro, nasamsam ng kanilang mga operatiba at mga kasapi ng iba’t ibang units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang naturang mga shabu at marijuana sa mga serye ng joint PDEA-police anti-narcotics operations sa rehiyon mula Enero-Oktubre ng taong kasalukuyan.

Pinasalamatan ni Castro ang mga city, municipal at provincial officials sa BARMM, sa kanilang masigasig na suporta sa mga operasyon ng PDEA-BARMM sa mga lugar na sakop nila.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with