^

Police Metro

Undas 2024 ‘generally peaceful’ – PNP

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Undas 2024 âgenerally peacefulâ â PNP
The Marikina City Public Cemetery in Marikina City starts to get busy as families gather to clean their loved ones' tombs on October 30, 2024
STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Naging “generally peaceful” ang paggunita ng Undas ngayong 2024 sa buong bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na walang naitalang untoward incident sa mga sementeryo, columbaria, memorial parks at iba pang katulad na lugar sa pagdalaw ng mga Pilipino sa mga pumanaw na mahal sa buhay.

“So far, the situation is generally peaceful as no untoward incident [is] recorded,” ani Fajardo.

Dagdag pa ni Fajardo malaking tulong ang koordinasyon ng PNP sa mga local government units (LGUs) upang maayos at payapang gunitain ang Undas.

Sa kabila nito, mananatiling nakaalerto ang PNP sa inaasahang dagsa ng mga biyahero na magbabalik Maynila  mula sa  long weekend.

Sa Metro Manila,  ipinagmalaki rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, PMajor General Sidney Hernia na mapayapa ang pagdaraos ng Undas 2024 sa kabuuan sa Metro Manila.

Tagumpay aniya ang mga inilatag na paghahanda sa deployment ng mga pulis sa mga sementeryo, columbaria, transport terminals, at pangunahing convergence areas sa buong Metro Manila.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with