Higit P46 milyongg halaga ng kush nasabat sa buy-bust ng PNP-DEG
MANILA, Philippines — Aabot sa P46.5 milyong halaga ng kush ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa magkasabay na buy-bust operation kahapon sa Marilao at Balagtas, Bulacan.
Ayon kay PNP-DEG Director PBGen. Eleazar P Matta, bandang ala-1:10 ng tanghali nang isagawa ng Special Operation 3 (Central Luzon) Intelligence and Foreign Liaison Division – PNP DEG, PDEA SES at Marilao Municipal Police Station ang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Patubig, Marilao Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 43-anyos na drug suspect.
Nakuha dito ang nasa 38 piraso ng heat-sealed transparent plastic packs na naglalaman ng pinatuyong dahon ng high-grade marijuana.
May timbang na 19 kilos at nagkakahalaga ng P28,500,000.00.
Sa Blk 2 lot 10 Northville 6, Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan nasamsam ng mga awtoridad ang 12 kilos ng kush na may halagang P18,000,000.00 mula sa isang 40-anyos na drug suspect.
Sinabi ni Matta na ang pagkakasabat ng mga illegal drugs ay bunsod ng kanilang pinaigting na kampanya at surveillance.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.
- Latest