Lady Strikers nagpasolido sa semis bonus sa MPVA
LUCENA CITY, Philippines — Pinalakas ng Bacoor ang tsansa para sa semifinals bonus matapos ang 25-20, 27-25, 25-23 pagwalis sa Negros sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Season 1 kahapon dito sa Quezon Convention Center.
Itinaas ng Lady Strikers ang kanilang baraha sa 9-2 para palakasin ang pag-asa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa women’s regional volleyball tourney na itinatag ni dating Senator at MPBL chairman Manny Pacquiao.
Bagsak ang Lady Blue Hawks sa 4-7.
Solo ng Bacoor ang third spot sa ilalim ng Quezon (10-1) at Rizal (10-3) sa nine-team upstart volleyball league.
Humataw si middle blocker Winnie Bedana ng 12 points para sa Lady Strikers.
Matapos kunin ng Bacoor ang 2-0 abante ay sumandal naman ang Negros kina Cosme, Lopez, Marjorie Orpilla at Jehiel Moraga para agawin ang 20-19 bentahe sa third set.
Itinabla ni Bustamante ang Lady Strikers sa 21-21 patungo sa 24-23 kalamangan.
Ang matulis na palo ni Bedana ang tuluyan nang tumapos sa Lady Blue Hawks sa torneong suportado ng mga sponsors na Extreme One-Stop Shop Appliances, ASICS, Mikasa at Gerflor kasama ang mga broadcast partners na MPTV at Outcomm at inorganisa ng Volleyball Masters of the Philippines.
- Latest