^

Probinsiya

Lolong scavenger patay sa hit-and-run ng SUV

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lolong scavenger nang mabiktima ng hit-and-run ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Tanay, Rizal kamakalawa.

Kaagad na binawian ng buhay ang ‘di pa kilalang biktima na inilarawan lamang na nasa pagitan ng 60-70-taong gulang, at nakasuot ng long sleeves at short pants.

Sa inisyal na ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Marilaque Highway, na sakop ng Sitio Pinagtarangkahan, Brgy. Cuyambay, sa Tanay.

Ayon sa testigong si alyas “Belle”, bago ang insidente ay naglalakad lamang sa lugar ang biktima. Maya-maya ay bigla na lang siyang nabangga at nakaladkad ng ‘di naplakahang gray na SUV.

Sa halip umanong huminto, pinaharurot pa ng driver ang kanyang sasakyan at inabandona ang biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with