^

Pang Movies

Echo, may pabulaklak kay Janine sa Venice?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Sa Sept. 7, 2024 pa magtatapos ang ginaganap na 2024 Venice Film Festival na nagsimula nung Aug. 28, 2024 sa Venice, Italy na dinaluhan ng malalaking personalidad sa iba’t ibang bansa including Hollywood tulad nina George Clooney, Cate Blanchett, Winona Ryder, Lady Gaga and fiancé Michael Polansky, Justin Theroux, Jude Law, Rahi Chadda, Nicholas Haout, Rami Malek Ncuti Gatwa, Rachel Weisz, Daniel Craig at marami pang iba.

Last Sept. 2, 2024 ang Filipino drama movie na Phantosmia na pinamahalaan ni Lav Diaz at tinampukan nina Ronnie Lazaro, Janine Gutierrez, Paul Jake Paule at Hazel Orencio was screened at the 81st Venice Film Festival sa Out of Competition Category.

Dalawang beses nakarampa si Janine sa Venice Film Festival, una sa red carpet premiere ng festival at pangalawa sa gabi na mismo ng screening ng Phantosmia, a joint production ng TEN17P (ni Paul Soriano), Black Cap Pictures at Sine Olivia Pilipinas.

Hinding-hindi makakalimutan ni Janine ang kanyang first experience at the 81st Venice Film Festival kung saan niya nakita ang maraming Hollywood stars.

Since hindi kasama sa Venice, Italy ang kanyang rumored boyfriend at co-star sa bagong simulang primetime action-drama series na Lavender Fields na si Jericho Rosales, ang aktor kaya ang nagpadala ng isang magandang flower arrangements sa hotel room ni Janine in Venice?

VIC, ‘DI PA NAKIKITA ANG IKA-10 NA APO!

Sampu na ang apo ng veteran singer-songwriter, actor-comedian, TV host and producer na si Vic Sotto matapos isilang nung Sept. 3, 2026 ang kanyang ika-anim na apo sa mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa na si Isaiah Timothy.

Nakita na ng ina ni Oyo, ang actress na si Dina Bonnevie, ang kanyang pinakabagong apo, her 9th grandchild dahil meron ding siyang tatlong apo sa mag-asawang Danica at Marc Pingris na ang bunso at pangatlong anak na si Jean-Luc ay isinilang nung Jan. 15, 2023. 

Thirteen years nang mag-asawang sina Oyo at Kristine. 

Samantala, Oyo’s dad, Vic Sotto has yet to see his 10th grandchild. Si Vic ay may isa pang apo sa kanyang nag-iisang anak kay Angela Luz na si Paulina na si Sachi Brielle.

Waiting pa rin si Vic na magkaroon ng manugang at apo sa isa pa niyang anak (sa aktres na si Coney Reyes) na si Mayor Vico Sotto (ng Pasig) na nananatiling single pa rin hanggang ngayon.

Jerald at Kim, pasok sa Quiapo…

Ang engaged couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina along with Joel Saracho ang mga bagong karag­dagan sa cast ng top-rating at long-running action drama series na FPJ’s Batang Quiapo na pinabibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong creative director, co-director at co-producer ng serye.

It was only last month na ma-engage sina Jerald at Kim matapos ang kanilang mahigit sampung taong relasyon.

vuukle comment

VENICE FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with