^

PSN Palaro

Chargers may Japan trip

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Akari Chargers ang kauna-unahang podium finish nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kamakalawa sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagkasya sa pilak ang Chargers matapos yumuko sa Creamline, 25-15, 25-23, 25-17, sa finals.

Subalit ang pilak na medalya ay mas makislap pa sa ginto. Kaya naman bibigyan ng pamunuan ng Akari ng pabuya ang buong team nito — isang Japan trip na magsisilbing reward at training camp na rin para sa tropa.

May mga nakalinya nang tuneup games para sa Chargers.

Inayos ito ni Chargers head coach Taka Minowa na siyang nagdala sa koponan sa kanuna-unahang finals appearance nito sa PVL.

“May mga nakausap nang teams si coach Taka. Talagang priority dito yung training camp at ang tuneup games pero siyempre isasama na rin yung pasyal para sa buong team,” ani Akari team manager Mozzy Ravena.

Ang training camp at tune-up games ay bahagi ng paghahanda para sa All-Filipino Conference.

Target itong maisagawa sa Oktubre bago magsimula ang mga professional leagues sa Japan.

Nais din ni Minowa na magaya ng Chargers ang fast plays sa Japan.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with