^

Probinsiya

15 tripulante ng bangkang pangisda nawawala sa isla sa Quezon

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nawawala ang isang bangkang pangisda na sakay ng labinlimang tripulante kabilang ang kapitan sa tubig-dagat ng Kalongkoan Island sa Barangay Calotcot, Burdeos, Quezon.

Ang FBCA ZShan fish boat, na pagmamay-ari ni Noreen Soronel, ay umalis na sa Barangay Dinahacan, Infanta para magsagawa ng fishing venture sa pacific ­fishing ground na may sakay na 15 crew kabilang ang boat captain noong ­Agosto 18.

Ayon sa ulat ng Coast Guard-Infanta, ang insidente ay iniulat sa lokal na otoridad noong Setyembre 2 at kinabukasan ay iniulat ng may-ari na nawawala ang bangka nang mawalan ng kontak sa kapitan ng bangka si Alejandro Mahinay.

Kinilala ang mga nawawala na sina Alejandro Mahinay, 35,kapitan; mga crew na sina Wendel Lucero, 27; Alan Alicando, 34;Renaldo Labo, 21; Kingjayler Mahinay, 20; Rodrigo Beracis, 46; Randy Carpon, 26; Rogan Beracis, 19;Robert Yanag, 37; Jason William Masato, 24;Edilberto Renegio, 49; Noel Cantela, 48;Alex Balog, 34; Cyril Legaspi, 30;Rolly Rasonable, 40,na pawang residente ng Visayan Village, Barangay Dinahican, Infanta, Quezon.

vuukle comment

NAWAWALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with