^

Probinsiya

2 nag-swimming, tepok sa lunod sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang patay matapos malunod habang nagsu-swimming sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Rizal, nabatid sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), kinilala ang mga biktima na sina Jay Vincent Elcano, ng Brgy. Burgos, Rodriguez, at Raizuli Talle­do, ng Brgy. San Jose, Antipolo City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police na dakong alas-5:30 ng madaling araw nang bawian ng buhay si Elcano habang nagatatampisaw sa swimming pool ng isang resort na matatagpuan sa Brgy. Burgos, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ayon sa mga testigo, nag-iinuman sila habang nagkukuwentuhan nang bigla na lang umanong maisipan ng biktima na magtungo sa pool at tumalon sa tubig.

Maya-maya ay napansin umano nilang nakalutang lamang ang biktima kaya’t kaagad itong iniahon mula sa pool at isinugod sa pagamutan ngunit nasawi rin.

Samantala sa ulat naman ng Antipolo City Police, dakong alas-3:40 ng hapon ng Linggo nang masawi si Talledo habang nagsu-swimming naman sa Ilog Baho, Tumana, sa Sitio Kaysakat, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang biktima at mga kaibigan na maligo sa nasabing ilog. Gayunman, habang naglalangoy, bigla na lang umanong tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima at kaibigang si Lenard at dinala sa malalim na bahagi ng ilog.

Isang concerned citizen ang nakakita at tumulong upang sagipin ang dalawa at kaagad na binigyan ng first aid bago isinugod sa Caba­ding District Hospital pero idineklarang patay si Talledo.

vuukle comment

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with