^

PSN Showbiz

Chloe, walang pake!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Chloe, walang pake!
Chloe San Jose
STAR/File

Alam n’yo ba na hanga ako sa emotional strength ni Carlos Yulo ha.

Imagine na ganun pala ang drama sa totoong buhay pero nagawa pa rin niyang mag-focus nang husto sa kanyang ginagawa and come out a champion. ‘Yung iba ‘pag ganyan ang drama sa buhay tiyak na madi-depress o kaya ma defocus na. Pero hindi si Caloy Yulo ha.

Nagawa niya pang maging gold medalist, at dalawa pa, at ngayon darling ng bayan. Ganyan dapat ang disiplina ng isang tao, huwag ilagay lahat ang problema sa utak, salain mo para hindi ka magulo. ‘Yung personal, ibang oras ang ibigay mo, ‘yung para sa career mo, iba ring oras ang ilaan mo.

Kaya siguro nakapag-focus nang husto si Carlos Yulo.

Everybody loves a winner. Basta winner ka, iba ang dating mo. Kaya anuman ngayon ibato mo kay Carlos Yulo keber ang lahat. Siya ang hero of the moment.

Give him all the glory. Let him enjoy it. Walang dapat gumulo ng eksena niya ngayon.

Samantala, siguro nga dahil naka-focus halos lahat ng mga mata kay Carlos kaya hindi puwedeng ‘di mapansin ang girlfriend niya, na walang pake sa lahat ng pagpuna sa kanya.

Saludo rin ako sa confidence at ipinapakitang attitude ng gf ni Carlos ha. Iyon bang so sabihin n’yo na lahat, basta importante sa akin si Carlos lang at ang sasabihin nito, bongga.

‘Yung dapat ang attitude, panindigan mo ang mga ginagawa mo. So what kung ayaw ninyo sa akin, ang importante si Carlos. Tama naman.

Kaya habang pinababayaan siya ni Carlos Yulo wala tayong magagawa. Kahit tawagin mo siyang Goldilocks, o kahit ano pa, siya pa rin ang official girlfriend, period. Wala ka nang magagawa. Bongga.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with