^

PSN Showbiz

Melai, handang gawin ang Tanging Ina...

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Melai, handang gawin ang Tanging Ina...
Melai Cantiveros

Handa ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sakaling alukin siya ng Star Cinema bosses na magbida sa remake ng blockbuster movie na Ang Tanging Ina na nagkaroon pa ito ng part 2 (Ang Tanging Ina N’yong Lahat, 2008) at part 3, Ang Tanging Ina Mo Last na ‘To! (2010).

Sa presscon kahapon ng bagong project ni Melai para sa Star Magic at ABS-CBN Studios, ang talk show na Kuan-On-One para sa mga kababayang Visaya, sinabi niyang game siya sa ideya.

Pero ang suggestion ng komedyana para iwas-intriga at tsismis, “Gawa na lang tayo ng sarili natin… Kuan Ng Ina, char! Char lang!”

Samantala, excited na siya sa pagbabahagi ng iba’t ibang kuwento tungkol sa Visayan culture sa Kuan-On-One na magsisimula na sa July 2.

Magiging special guest ni Melai sa first season ng show ang mga kapwa-Bisaya na sina Kim Chiu, Maymay Entrata, Sheryn Regis, Christian Bables, Jason Dy at ang dalawang BINI members na sina Aiah at Colet.

Ayon pa sa TV host, isa pa sa mga layunin ng kanilang talk show ay ang maging tulay para sa pagkakaisa at pagkakaunawaan ng bawat rehiyon sa bansa.

“Sobrang importante lalo na sa amin para mawala na ‘yung mga separation ng mga Bisaya, mga Tagalog, para in one na tayo.

“Kasi marami na ring mga Bisaya, may mga radio station na nga rito na Bisaya dito sa Manila eh. Very important na maging isa tao at talagang nagmamahalan tayo,” sey ng komedyana.

“Tapos na-appreciate nila ang Kuan-On-One show at si Direk Lauren (Dyogi), sobrang na-appreciate nila ang ABS-CBN dahil nag-effort talaga gumawa ng show para sa mga taga-Visayas at Mindanao para mas lalo sila ma-inspire,” giit pa ni Melai.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with