Kelot inaresto sa ‘sextortion’
MANILA, Philippines — Inaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang maintenance crewman dahil sa paglabag sa ‘Safe Spaces Act’, at ‘Violence against Women and Children (VAWC) Act’.
Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang suspek na si Patrick Contreras Bocalbos, 23, residente ng Brgy.Fatima 1-K, Dasmariñas City, Cavite na nahuli kagabi sa entrapment operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) 4A sa loob ng Apartelle, sa Brgy. Salitran 2, sa naturang siyudad.
Ayon kay Guillermo, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng 32-taong gulang na biktima, na dating karelasyon ng suspek.
Base sa reklamo, ikinalat umano ng suspek sa social media ang mga maseselang larawan at video ng biktima, at nagbanta na patuloy itong gagawin hangga’t hindi pumayag ang biktima na makipagtalik.
Ang arestadong suspek ay dinala sa Dasmariñas City Police Station, para kasuhan ng paglabag sa ‘Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009’; at Article 286 ng Revised Penal Code o ‘Grave Coercion’, kaugnay ng mga unang nabanggit na kaso.
- Latest