^

Police Metro

PCG, nagdeploy na ng barko sa Benham Rise

Mer Layson - Pang-masa
PCG, nagdeploy na ng barko sa Benham Rise
Nabatid na ang Benham Rise, na matatagpuam sa east coast ng Pilipinas ay idineklara ng United Nations noong 2012 bilang bahagi ng continental shelf ng bansa.
Namria graphic/File

MANILA, Philippines — Kasunod nang ulat na may dalawang Chinese research vessels ang namataan na umaaligid sa Benham Rise ay nag-deploy kahapon ang Philippine Coast Guard (PCG) ng isang barko.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, idineploy nila ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para sa isang two-week mission sa Batanes at Benham Rise, simula kahapon.

Sinabi naman ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, na ang naturang barko ay magpapatrulya sa bisinidad ng naturang katubigan upang magsagawa ng maritime domain awareness, paigtingin ang presensiya ng coast guard sa Northern Luzon, at imonitor ang mga lokal na mangingisda.

Samantala,nabatid na maging ang air assets ng Coast Guard Aviation Force ay nakaantabay na rin para sa posibleng augmentation, partikular na sa pagsasagawa ng  aerial surveillance.

Nabatid na ang Benham Rise, na matatagpuam sa east coast ng Pilipinas ay idineklara ng United Nations noong 2012 bilang bahagi ng continental shelf ng bansa.

BENHAM RISE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with