Ateneo sosolohin ang 3rd spot kontra sa FEU
MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Ateneo De Manila University ang kanilang ikalawang sunod na ratsada para masolo ang third place sa Season 86 UAAP men’s basketball tournament.
Lalabanan ng Blue Eagles ang Far Eastern University Tamaraws ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang upakan ng University of the Philippines Fighting Maroons at University of Sto. Tomas Growling Tigers sa alas-4 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Solo ng UP ang liderato sa kanilang bitbit na 4-0 record kasunod ang La Salle (3-1), National University (3-1), Adamson (2-2), Ateneo (2-2), University of the East (2-2), FEU (0-4) at UST (0-4).
Nagmula ang Blue Eagles sa 76-69 panalo sa Red Warriors kung saan humakot si Joseph Obasa ng 16 points, 8 rebounds at 6 blocks.
“The game was not pretty but wins are what we need, and this round we have to get as many as we can to continue to improve as a team,” ani coach Tab Baldwin.
Nakalasap naman ang Tamaraws ng 76-80 overtime loss sa Fighting Maroons na nagbaba sa kanila sa ilalim ng team standings.
Sa ikalawang laro, pupuntiryahin ng UP ang kanilang pang-limang sunod na panalo sa pagsagupa sa UST.
Kinuha ng Fighting Maroons ang 80-76 overtime win sa Tamaraw, samantalang nakalasap naman ang Growling Tigers ng 69-87 pagkatalo sa Bulldogs.
- Latest