^

PSN Showbiz

K-Pop hanggang hollywood na ang sobrang kasikatan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
K-Pop hanggang hollywood na ang sobrang kasikatan

Grabe talaga ang Korean invasion dahil halos once a month, may concert/meet-and-greet sa Pilipinas ang mga Korean actor at K-Pop group.

Kaloka dahil pati sa US at Hollywood, tinanggap na ang BTS, ang sikat na Korean boy band.

Invited na ang BTS sa mga awards night, mga celebrity party at sila pa ang kinuha na UN Ambassador for the Youth. Sa mga hindi updated, ang BTS ang acronym meaning ng BTS o Bangtan Sonyeondan sa Korean language.

Nabalitaan ko na grabe ang wait list sa K-Pop Academy, ang school para sa mga estudyante na gustong matuto ng pagkanta, pagsasayaw, acting at pagsasalita ng correct Korean dialogues.

Marami ang mga Japanese at Chinese kids na gustong mag-enroll at mag-aral sa K-Pop Academy, bongga ha?

Nagtagumpay talaga ang mga Korean na paunlarin at iangat ang kanilang tourism industry at ang marketing ng mga produkto nila sa pamamagitan ng entertainment.

Malaki ang naitulong ng Korean entertainment industry sa economy ng South Korea na biglang naging kaagaw na ng Japan dahil marami ang mga turista na nagpupunta sa bansa nila.

Sana, nauna ang Pilipinas kesa sa South Korea dahil magagaling din ang mga Pilipino, mapa-artista, singer at filmmaker.

Sana, may maglabas din ng mga documentary tungkol sa kagandahan ng ating bansa, ang masasarap na pagkain natin, ang mga mahuhusay na entertainers na world class ang kalibre.

Well ganyan talaga ang buhay, kanya -kanyang path pero mabuti na lang, kahit hindi masyado ang effort, napapansin pa rin tayo. Hindi nga lang kasing-laki o lawak ng atensyon na ibinibigay sa mga Koreano pero lumalaban pa rin ang mga Pinoy.

Sige na nga,maging fan na lang muna tayo ng mga Korean star, tutal naman, number one idol nila sa boxing si Senator Manny Pacquiao na talagang big star sa Korea kaya okey na rin.

Milo Sports Clinic tinuturuan ang mga bagets na maging disiplinado

Thank you sa Milo dahil malaking bagay na tuwing summer, sumasali sa sports clinic nila si MJ at ang pinsan nito na si Francis.

Looking forward sila tuwing summer dahil sa Milo Sports Clinic na nagtuturo sa kanila ng wastong paglalaro ng basketball.

Bago matapos ang school term, nagtatanong na si MJ kung kailan ang Milo Sports Clinic dahil ang paglalaro nila ng basketball, isang bagay para magkaroon ng social skills ang mga bata.

Tinuturuan sila na magkaroon ng disiplina at healthy approach sa life kaya salamat sa Milo Sports Clinic.

Salamat din kay Beth Repizo at Marlyn Jorge for always accommodating my request na maisali sina MJ at Francis sa Milo Sports Clinic.

Tapos na ang summer ng 2019 at sure ako na sa susunod na taon, ipapaalaala ni MJ na isali ko siya uli sa Milo Sports Clinic kaya sina Beth at Marlyn naman ang kukulitin ko. Thank you Milo, salamat for the summer fun.

Gladys mapapanood kahit nasa Europe

Kahit nagbabakasyon sa Europe si Gladys Reyes at ang kanyang asawa na si Christopher Roxas, mapapanood pa rin siya sa GMA 7.

Si Gladys ang special guest sa Mama Madrama, ang episode ng Dear Uge na mapapanood ngayong hapon, pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

Ang Mama Madrama ang pre-Mother’s Day offering ng comedy anthology show ni Eugene Domingo sa Kapuso Network.

K-POP GROUP

MILO SPORTS CLINIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with