^

PSN Palaro

Tamaraws lalapit sa final four seat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

2 p.m. FEU vs UP

4 p.m. UE vs Adamson

 

MANILA, Philippines - Patatatagin ng Far Eas­tern University ang kapit sa No. 2 spot para makalapit sa Final Four slot sa pakikipagtipan sa University of the Philippines sa UAAP Sea­son 79 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Hahataw ang Tamaraws laban sa Fighting Marroons ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang lao ng University of the East at A­damson University sa alas-4.

Taglay ng FEU ang 7-2 baraha para sa solong ikalawang puwesto, malayo sa pumapangatlong Ateneo de Manila University (5-4) at pang-apat na Adamson University (4-5).

Mataas ang moral ng Ta­­maraws na nakasakay sa six-game winning streak kabilang ang 59-48 panalo laban sa University of Santo Tomas sa kanilang huling la­ro.

Sa kabila ng magandang inilalaro ng Tamaraws ay sinermunan pa rin ni FEU head coach Nash Racela ang kan­yang bataan na min­san aniya ay nagiging kam­pante lalo na at luma­lamang ang koponan ng ma­laki laban sa Growling Tigers sa nasabing panalo.

“We should be concerned about our improvement as a team. We’re now at this tage of the tournament that every team is improving kaya kailangan sabayan namin sila. Pero dahil we’re on a six-game winning streak, baka magkaroon talaga ng complacency,” ani Racela.

“Kaya nire-remind namin sila na we need to work on a lot of things. Kailangan na­ming ayusin ang mga dapat ayusin,” dagdag pa nito.

Muling sasandalan ng FEU sina Monbert Arong at Prince Orizu na siyang na­ngunguna sa scoring at re­boun­ding ng koponan ha­wak ang 11.29 points at 11.0 rebounds kada laro, ayon sa pagkakasunod.

Aarangkada rin sina Ray­mar Jose, Alejandrino Iñigo, Ron Dennison at Richard Escoto.

Umaasa naman ang UP na makakabangon sa ka­nilang kasalukuyang ki­nalalagyan para manati­l­ing buhay ang pag-asa sa pu­wes­to sa Final Four.

Nagawang pahirapan ng Fighting Maroons ang Tamaraws sa kanilang unang pagtatagpo noong Setyembre 25 bago isuko ang 49-51 de­sisyon.

Huhugot ng lakas ang UP kina Paul Desiderio, Jett Manuel, Dave Moralde, Andrew Harris at rookie Javi Go­mez De Liano.

May averages na 17.57 points, 6.86 rebounds at 2.43 assists per game si De­siderio.

FAR EAS­TERN UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with