^

Pang Movies

Agot ayaw tantanan ng mga supporter ng Presidente!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Agot ayaw tantanan ng mga supporter ng Presidente!
Agot Isidro

Kinukuyog pa rin si Agot Isidro ng mga supporter ni President Rodrigo Duterte.

Hindi matanggap ng pro-Duterte ang pralala na biktima si Agot ng cyberbullying dahil siya raw ang nauna nang tawagin niya na psychopath si Papa Rody pero ngayon, ang singer-actress ang pinagmumukha na kawawa at hindi ito ma-take ng  Duterte supporters.

Talambuhay ni Chavit isasalin sa libro ni Butch Francisco

Si Butch Francisco pala ang magsusulat ng libro tungkol sa kontrobersyal at makulay na buhay ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at ito ang dahilan kaya pumunta siya kamakailan sa Vigan, Ilocos Sur, ang baluarte ni Papa Chavit.

Hindi nagkamali si Papa Chavit ng pagpili kay Butch dahil magaling ito na writer. I’m sure, mabibigyan ng justice ni Butch ang pagsasalin sa libro ng kuwento ng buhay ni Papa Chavit na puwedeng-puwede na isalin sa pelikula.

Matagal na nagsulat si Butch sa Philippine Star, ang broadsheet ng Star Group of Companies. Aliw ang readers sa pagbabasa ng column ni Butch dahil bukod sa witty ito, detalyado ang mga impormasyon at colorful ang lengguwahe na gina­gamit niya.

Tahimik sa Miss U

Tahimik pa si Papa Chavit sa isyu na hindi raw matutuloy ang pagdaraos sa Pilipinas ng Miss Universe 2016.

Kung may tao na dapat tanungin tungkol sa isyu, ito ay si Papa Chavit dahil siya ang punong-abala sa paghahanap ng budget at coordination sa Department of Tourism.

Malaki na ang nagagastos ni Papa Chavit para sa paghahanda sa Miss Universe 2016 kaya naniniwala ang Miss Universe aficionados na hindi siya basta papayag na makansela ang staging sa Pilipinas ng sikat na beauty pageant.

Naalaala ko tuloy ang kuwento tungkol kay Ryan Singson, ang incumbent governor ng Ilocos Sur.

May nagsabi sa akin na nagsalita si Papa Ryan na kahit walang kasosyo ang tatay niya, kayang-kaya nito na maging solo major sponsor ng Miss Universe 2016.

Si Papa Ryan ang anak ni Papa Chavit na hindi handa noon sa pagpasok sa mundo ng pulitika pero walang nagawa nang sabihin ng tatay niya na kumandidato siya.

Hindi naman nagsisisi si Ryan dahil kaligayahan nito ang tumulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap na kababayan niya sa Ilocos Sur.

Tiniyak ni Ryan na kapag natuloy na ganapin sa Pilipinas ang Miss Universe 2016, ang Vigan ang isa sa mga bibisitahin ng official candidates at malaking tulong ito sa tourism industry ng Ilocos Sur na isa sa pinaka-progressive at magandang lalawigan ng ating bansa.

Paggiling nina Julian at Ella milyun-milyon ang views

Milyones na pala ang hits ng mga dance video sa Youtube nina Julian Trono at Ella Cruz.

Sa dami ng viewers ng kanilang mga dance video, puwede nang magkaroon ng dance concert together sina Julian at Ella na parehong nagsimula ang showbiz career bilang mga child actor.

Noong mga bagets pa ang dalawa, walang nag-akala na magaling sila na magsayaw pero nang magdalaga at magbinata, hataw sa dance floor sina Julian at Ella.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with