^

Pang Movies

GF walang selos sa katawan, Derek libre sa ibang babae

- Vinia Vivar - Pang-masa
GF walang selos sa katawan, Derek libre sa ibang babae
Derek Ramsay

Natutuwa naman si Derek Ramsay dahil napaka-understanding and supportive ng modelong girlfriend niya na si Joanne Villablanca. Never daw kasi itong nagselos sa mga sexy love scenes na ginagawa niya in almost all of his movies, latest of which ay ito ngang The Escort kung saan ay napakarami nilang sizzling scenes ni Lovi Poe.

“Never kaming nagkaroon ng tampuhan or away. Kay Kiray, wala. Pati kay Solenn (Heussaff na ex-girlfriend niya), dapat ‘yun talaga, meron. Wala, wala talagang ever selos,” sey ni Derek.

Ito nga raw The Escort ay tinutulungan pa siyang mag-promote ng girlfriend sa social media at sinasabihan ang mga kaibigan na panoorin at suportahan.

Pero bilang respeto ay sinasabi raw niya sa girlfriend beforehand ang mga gagawing daring scenes.

“Kapag umano (nagsabi) siya sa akin that ‘Derek, I feel uncomfortable’, I have to take it into consideration also. Kasi, hindi lang pwedeng one-way street, ‘to, no!”

Pero ang maganda nga raw sa relationship nila, tanggap naman daw ng girlfriend ang mga ginagawa niya bago pa man sila nagkaroon ng relasyon at siya naman, on his part, hindi naman daw niya ipinaparamdam sa GF na may dapat itong pagselosan.

“I really make it a point that she feels na there’s nothing there, and that’s the truth, there’s no real emotions, we’re pretending here, we’re in character, there are a lot of emotions involved but they’re not  honest emotions that I want to act upon after the director says ‘Cut!’,” he said.

Two years na rin ang relasyon nila ni Joanne at wish ni Derek na pang-forever na ito. Samantala, very thankful si Derek na isa siya sa masuwerteng aktor na nabibigyan ng chance na maka­trabaho na lahat ng mahuhusay at magagandang leading ladies magmula kay Judy Ann Santos, Anne Curtis, Bea Alonzo, Toni Gonzaga at ngayon ay si Lovi naman.

Inamin din ni Derek na siya pala dapat ang gaganap sa role ni Sam Milby sa The Third Party pero dahil ginagawa niya nga itong The Escort ay nagkaroon ng conflict sa schedule.

Pero may panibagong offer daw sa kanya ang Star Cinema na isang sexy film din with Maja Salvador naman.

Piolo abala sa anak, limot na ang lovelife

Excited na si Piolo Pascual sa 2016 Star Magic Ball na gaganapin ngayong October 22 at looking forward siya na makasalamuha at maka-bonding ang mga fellow Star Magic talents.

“Doon mo lang sila nakikita lahat, and everyone is dressed, I’m excited to see some of my friends na hindi ko nakikita nang matagal na,” sey niya.

When asked kung may partner na ba siyang napili para sa nasabing event, sagot niya, “marami kaming single ngayon, eh. So, magkaka-table na lang kami nina Z (Zanjoe Marudo), nila Rey (Rayver Cruz), nila Lorenzo.

“So, uso yata, ‘di ba? Makikiuso ako sa mga single,” natatawa pang sabi ng aktor.

Kahit wala siyang girlfriend, hindi naman daw masasabing boring ang buhay niya.

“There’s nothing in the horizon, so to speak. I just take my time. As much as possible, I don’t wanna be pressured by it because I know it’s gonna come in God’s perfect timing,” sey niya.

Ang free time raw niya ay napupunta lang sa kanyang anak na si Iñigo Pascual or kung ‘di naman ay nasa bahay lang siya.

Yassi mag-aala-Miss U sa star magic ball

Still on 2016 Star Magic Ball, mas excited si Yassi Pressman dahil first time niya ever to grace the event since kalilipat nga lang niya sa ABS-CBN.

“Nababalitaan ko na prestigious ang Star Magic Ball. Kumbaga sa pageant, pang Miss Universe siya. Nae-excite ako makakita ng mga bagong mukha rin at makakilala ng mga bagong kaibigan pa,” say ni Yassi in an interview with ABS-CBN website.

Ngayon pa nga lang ay pinaghahandaan na ni Yassi ang glamorosang ball.

“Siyempre proper diet, exercise pero more on mas tumitingin ako sa positive vibes ngayon kasi kapag mas masaya, mas maganda. Nagpi-fit na rin ako ng gown ko by Nat Manilag,” sey ng leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with