^

Bansa

Lingguhang protesta ikinasa ng Piston

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matitinding lingguhang transport protest ang banta ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) dahil sa ginawang pagbasura ng Malakanyang sa kanilang panukala na alisin o suspendihin ang VAT sa langis dahil sa walang tigil na oil price increases.

Ayon kay Piston Pre­si­dent Goerge San Mateo, lubhang nadismaya ang kanilang hanay at mga kaalyadong transport groups sa desisyon ni Pangulong Aquino na isnabin ang kanilang kahilingan na tanging last resort para lamang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng halaga ng diesel at gasolina

Bukod dito, kaanib din sila ng Kilusang Mayo Uno  (KMU)  sa Marso 15 para sa Pambansang Protesta ng Taumbayan bilang pagkondena ng ka­nilang mga hanay sa kawalang aksiyon ni Aquino sa kanilang kahi­lingan.

Binigyang diin ni San Mateo na dapat sana ay pinag-aralan muna ng Malakanyang ang ka­ni­lang suhestiyon sa ha­lip na ibasura agad ito.

Hindi anya sapat ang Pantawid Pasada program ng pamahalaan para maibsan ang epekto sa kanila ng walang habas na oil price hike.

GOERGE SAN MATEO

KILUSANG MAYO UNO

MALAKANYANG

OPERATORS NATIONWIDE

PAMBANSANG PROTESTA

PANGULONG AQUINO

PANTAWID PASADA

PINAGKAISANG SAMAHAN

PISTON PRE

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with