^

Bansa

800,000 toneladang bigas planong ipuslit

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Aabot sa 800,000 metrika tonelada ng im­ported na bigas ang po­sibleng makopo ng isang metal scrap dealer bunga umano ng isang maano­malyang transaksyon.

Ito ang giit ng ilang concerned employees ng National Food Authority kasabay ng apela sa administrasyong Aquino na gumawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay nito upang lumutang ang katotohanan. Nakatakda umanong angkatin ang naturang bulto ng bigas sa taong ito.

Batay sa record ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), taong 2005 ay natawag na ang atensyon ng gobyerno hinggil sa mga importasyon at negosyo sa pantalan ni Davidson Tan Bangayan, isang Fil-Chinese scrap metal dealer, matapos ireklamo ng panloloko ng isang kumpanya sa Singapore.

Nauna rito, sinabi ni Jose Concepcion Jr., chairman ng ASEAN Business Advisory Council, umangal ang Swastik Intertrade na nakabase sa Singapore, matapos matuklasan na bukod sa kulang sa timbang, mga lumang gulong, lupa at buhangin ang laman ng 31 container vans na ipinadala sa mga kostumer nito ng Advanced Metal Specialist Corp., isang kumpanya sa Pilipinas na umano’y pag-aari ni Bangayan.

Bunga ng insidente at dahil sa idinulot na kahihiyan sa bansa, napilitan si Concepcion na ipanukalang magbuo na lang ng “watchdog” ang pribadong sektor na tutulong sa mga customs bureau sa rehiyon upang maiwasang maloko ng mga negosyanteng katulad ni Bangayan.

Sa kabila nito, sina­sabi ng mga lehitimong rice traders na rehistrado sa NFA na nagulat na lang sila sa nakalap nilang impormasyon na halos 90 porsiyento ng aangkating bigas ng bansa ngayong taon ay napunta sa grupo ni Bangayan.

AABOT

ADVANCED METAL SPECIALIST CORP

BANGAYAN

BUREAU OF CUSTOMS

BUSINESS ADVISORY COUNCIL

DAVIDSON TAN BANGAYAN

JOSE CONCEPCION JR.

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

SWASTIK INTERTRADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with