^

Bansa

Kisame ng NAIA 3 bumagsak na naman!

-

Sa ikatlong pagkaka­taon, bumagsak ang isang bahagi ng kisame ng ba­gong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 habang kasag­sagan ng malakas na ihip ng ha­ngin at ulan bunga ng pag­hagupit ng bag­yong “Marce” kahapon ng ma­daling-araw.

Dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang bu­mi­gay at tuluyang bu­ mag­sak sa sahig ng arrival area malapit sa carousel #7 ang kisame ng mezzanine na naba­balutan ng tiles ng fiber cement o gypsum board at ilang metal parts.

Sinabi ng Manila Inter­na­tional Airport Authority (MIAA), nakita ng naka­tala­gang security guard ang pagbagsak ng ki­same (may sukat na 7 meter by 1 meter) na agad nitong ipinagbigay-alam sa kan­yang superior. Wala na­mang naiulat na na­saktan sa nasabing insi­dente.

Ayon kay MIAA General Manager Al Cusi, ang pag­kakabagsak ng bubu­ngan ay bunga ng pagka­ka­tang­gal ng hook na kina­kabitan ng gypsum board dahil sa ilang mga pagga­law ng istrak­tura.

Agad namang inayos ang nasirang kisame ng Takenaka, ang kontraktor na gumawa ng NAIA 3, at tinayuan at tinakpan ng plywood ang lugar upang hindi makasagabal sa mga nagdaratingang pa­sahero.

Tinatayang aabutin ng 2 araw bago ito ma­kum­­puni. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AIRPORT AUTHORITY

AYON

DAKONG

ELLEN FERNANDO

GENERAL MANAGER AL CUSI

MANILA INTER

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

SINABI

TAKENAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with