^

Bansa

3 Pinoy sa Qatar rally pinalaya

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 Pinoy sa Qatar rally pinalaya
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, 20 Pinoy ang orihinal na nakakulong at apat sa kanila ang nakalaya na. 
Google Maps

16 pa namumurong makulong

MANILA, Philippines — Pinalaya na ang ­tatlong kabataang Pinoy na lumahok sa political rally sa Qatar habang 16 pa ang nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, 20 Pinoy ang orihinal na nakakulong at apat sa kanila ang nakalaya na. 

“Three doon (sa mga protesters are) ­minors, mga teenager[s], ­pinalaya na… Their mother, though, is still in custody ng mga pulis,” sabi ni de Vega.

Iimbestigahan pa aniya ang mga nakakulong at kapag “satisfied” ang mga pulis sa resulta ay saka palalayain pero kung hindi ay posible umanong makulong nang hanggang tatlong taon.

Sinabi ni de Vega na umaasa ang DFA na kung mapatunayang may paglabag, multa lang ang ipapataw at hindi na makasuhan ang 16 Pilipino, at mapalaya sila sa susunod na linggo.

Sa ilalim ng batas sa Qatar, ang mga hindi awtorisadong protesta at demonstrasyon ay ilegal at ang mga pampublikong pagtitipon at protesta ay nangangailangan ng permit mula sa ­gobyerno.

Nauna nang tiniyak ng DFA na magbibigay ng abogado para sa mga nakakulong na Pilipino.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->