^

PSN Opinyon

Kanino kaya sila magpapasaklolo?

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Marami pa ring Pilipino ang nasa panig ni dating President Rodrigo Duterte na nagpoprotesta upang maibalik siya sa Pilipinas mula sa The Hague. Pati sa Qatar, may OFWs na dinampot ng mga awtoridad dahil sa illegal assembly. Dalawampu silang lahat at mayroon pang nakaiwas sa aresto. Malaki ang babayaran nilang penalty at posible pa silang makulong o ma-deport.

Ngunit kung idideport, magiging problema sila ng pamahalaan. Maihahanay sila sa mga Pilipinong jobless. Sana naman, tulungan pa rin sila ng pamahalaan sa kabila ng paglaban nila sa administrasyon. Magandang gesture ito kung gagawin ni President Bongbong Marcos.

Kabilang sila sa mga die-hard supporters ni Duterte na handang isakripisyo pati sariling pamilya alang-alang sa dating Presidente na itinuturing nilang “the best President” sa kabila ng kinakaharap nitong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Mantakin n’yong nagsulong sila ng zero remittance week upang tangkaing lumpuhin ang ekonomiya na umaasa sa kanilang ipinadadalang salapi. Pero sa ginagawa nila, higit na apektado ang kanilang pamilya.

Sa social media, marami ang bumabatikos sa kanila. Ngayong may problema sila sa Qatar, ang kapal naman ng mukha nila kung aasa sa ayuda ng administrasyon.

May mga nagmumungkahi na pumunta sila sa The Hague at hingan ng tulong ang idolo nilang si Duterte.

Para sa akin, obligado pa ring tumulong ang pamahalaan dahil nagbabayad din ng buwis ang mga iyan at may contribution sa OWWA. Pero sana, nakapag-isip sila na si Marcos pa rin ang Presidente at mabigat ang konsekuwensiya ng anumang paglaban dito.

Kunsabagay, sa anumang rebolusyon, laging may kasamang sakripisyo. Sabi nga, all is fair in love and war.

HAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->