^

PM Sports

V-Day sa Ginebra?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
V-Day sa Ginebra?
Ginebra import Justin Brownlee at TNT import Rondae Hollis-Jefferson

MANILA, Philippines — Tatangkain ng Barangay Ginebra na maitagay na ang kampeonato nga­yon kontra sa Talk ‘N Text sa panapos na Game 6 ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup finals ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

May tsansa ang Gin Kings na makumpleto ang misyon sa alas-7:30 ng gabi matapos ang dikdikang 73-66 panalo sa Game 5 upang maagaw ang 3-2 kartada sa best-of-seven titular showdown.

Bukod sa asam na titulo, nakataya para sa Gin Kings ang matamis na higanti kontra sa Tropang Giga na tinalo na sila sa dalawang magkasunod na finals ng Governors’ Cup.

Makakaisa rin sa wakas si resident import at naturalized player Justin Brownlee kay reigning Best Import Rondae Hollis-Jefferson na tinalo na siya nang dalawang beses.

Subalit para kay Brown­lee, hindi iyon magiging madali.

“We will come and try with all our might. TNT is a great team as the past has shown. They beat us two times in the finals so we know it’s not going to be easy. The hardest game in my opinion and in my experience is the closeout game,” ani Brownlee.

Umiinda pa rin ng dislocated right thumb injury si Brownlee na natamo niya noong Game 3 subalit balewala ito nang trangkuhan ang krusyal na panalo sa Game 5.

Sa likod ng 18 puntos ni Brownlee kabilang na ang 16 puntos sa second half, nasikwat ng Ginebra ang ikalawang sunod na panalo sa serye matapos maiwan sa 1-2 kartada.

Ito ang hindi na pakakawalan ng mga bataan ni coach Tim Cone tungo din sa pangarap niyang ika-26 na kampeonato sa tulong nina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Maverick Ahanmisi, Stephon Holt, Troy Rosario at RJ Abarrientos.

Haharang sa kanyang daan ang karibal subalit matalik ding kaibigan na si Chot Reyes na umaasang maayos ang gusot sa kampo nila upang makapu­wersa ng Game 7.

Nagkasagutan sa timeout huddle si Reyes at ang player na si Poy Erram subalit binalewala na ito para sa misyon sa Game 6 sa pangunguna ni Hollis-Jefferson kasama sina Calvin Oftana, Roger Pogoy, Kelly Williams, Glenn Khobuntin at Rey Nambatac.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->