^

PM Sports

Lote sa Tagaytay nakaabang na para sa LA Olympics medalist

Chris Co - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Naghihintay na ang bakanteng lote sa Tagaytay City para sa Pinoy athletes na makasusungkit ng medalya sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.

Ang naturang reward ay mula sa Philippine Olympic Committee (POC).

Nakaabang ang lote sa Prime Peak Town House subdivision sa Barangay Silang Crossing West sa Tagaytay City sa Cavite.

Ito rin ang parehong lugar kung saan nakatayo ang bahay nina Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, at bronze medalist Aira Villegas at Nesthy Petecio ng boxing.

Mismong si POC pre­sident Abraham ‘Bambol’ Tolentino na rin ang nagsiwalat ng pabuya para sa LA Olympics medalists sa isang video na inilabas ng POC social media account.

Nakalagay na rin sa lote ang karatulang may nakasaad na “reserved for LA 2028 medalist.”

Kaya naman mas lalong gaganahan ang mga atleta na magkwalipika sa LA Olympics at manalo ng medalya.

Binigyan si Yulo ng house and lot sa Tagaytay matapos manalo ng dalawang gintong medalya sa Paris Games habang may sariling bahay din sina Petecio at Villegas na may tig-isang tanso sa boxing.

Pormal nang naibigay kina Yulo, Petecio at Villegas ang kani-kanyang mga bahay kung saan nagkaroon pa ng house blessing.

Ang two-storey house ni Yulo ay nagkakahalaga ng P15 milyon.

Sa Tagaytay din binigyan ng bahay sina Tokyo Olympics gold meda­list Hidilyn Diaz, silver meda­list Carlo Paalam at Petecio, at bronze medalist Eumir Marcial.  

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with