Pangulong Marcos at Imee matagal nang ‘di nag-uusap

MANILA, Philippines — Inamin ni Senador Imee Marcos na matagal na silang walang komunikasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
“Hindi na kami nag-uusap, matagal na,” sabi ng senadora.
Aniya, tanging sa mga pampublikong pagtitipon na lamang sila nagkakaroon ng pagkakataon na mag-usap.
“Maraming nakapaligid sa kanya na humaharang sa aming mag-usap,” paglilinaw pa ni Senador Imee.
Nilinaw din niyang wala siyang sama ng loob sa hindi pagbabanggit ni PBBM sa kanyang pangalan sa Alyansa rally sa Cavite kamakailan.
“Ayos lang sa akin. Wala namang problema doon. Okay lang dahil nakatutok ako sa pagsisiyasat ng pagkuha kay FPRRD sa Pilipinas patungong the Hague,” dagdag niya.
Sa kanyang talumpati kamakalawa, 11 na lamang ang binanggit ng Pangulo sa halip na 12 na bilang ng mga tumatakbong kandidato sa pagka-senador ng Alyansa.
- Latest