Expanded PhilHealth package sa animal bite victims, aprub kay Bong Go
MANILA, Philippines — Aprub kay Senator Christopher “Bong” Go ang expanded Animal Bite Treatment (ABT) package na iniaalok ng PhilHealth sa pagsasabing ito’y napapanahon dahil sa inaasahang pagtaas ng kaso ng mga kagat ng hayop ngayong hot and dry season.
Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, binigyang-diin ni Go na mahalaga ang tamang medical care sa mga kagat ng hayop, lalo sa mga kanayunan at mga lugar na kulang sa serbisyo.
Itinaas kamakailan ng PhilHealth ang ABT benefit package nito sa P5,850, mula sa P3,000 para sa mas komprehensibong coverage sa mga biktima ng animal bite—kabilang ang post-exposure prophylaxis, wound care, rabies vaccine at immunoglobulin, tetanus shots, atantibiotics.
“Kapag may nakakagat na hayop, ‘wag na tayong maghintay pa ng komplikasyon. Magpatingin agad sa health center o animal bite treatment center, at gamitin ang benepisyong iniaalok ng PhilHealth,” sabi ni Senator Go.
- Latest