^

Bansa

Ina ni VP Sara magtutungo sa The Hague

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nagdesisyon na ang kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman na magtungo sa The Hague, Netherlands upang dalawin ang dating asawang si dating Pang. Rodrigo Duterte.

“I think nag-decide siya (ina) last night na pupunta siya rito. Whether or not makapasok daw siya, pupunta raw siya,” ayon pa kay VP Sara, nang makapanayam ng media sa labas ng The Hague Penitentiary Institution matapos na bisitahin ang kanyang ama nitong Huwebes ng hapon.

Ipinaliwanag ni VP Sara na hindi na itinuturing na ‘next of kin’ si Zimmerman dahil napawalang-bisa na ang kasal nito sa kanyang ama.

Ang maituturing na lamang aniyang ‘next of kin’ ng dating pangulo ay silang mga anak nito.

Sinabi naman ng bise presidente na hindi pa siya sigurado kung makakakuha kaagad ng visa ang kanyang mga kapatid para sa pinaplanong pagtitipon ng mga pro-Duterte supporters sa Marso 23.

Sa ngayon aniya ay nakalabas na ng hospital facility ng detention center ang ama at may access rin aniya ito sa pangangalagang medikal.

Patuloy pa rin naman aniyang minomonitor ng mga doktor ang blood sugar levels ng dating pangulo.

Panonood aniya ng telebisyon ang pinagkakaabalahan ngayon ng kanyang ama ngunit hindi ito nakakapanood ng balita, dahil sinasala ang content nito.

Inalok pa umano niya itong dadalhan ng mga libro, ngunit tumanggi na dahil malabo na umano ang mga mata nito.

SARA DUTERTE '

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->