^

Bansa

Pagtataguyod sa kababaihang nasa laylayan ng lipunan, itinulak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pagtataguyod sa kababaihang nasa laylayan ng lipunan, itinulak
Students cross a pedestrian lane at Kartilya ng Katipunan in Manila on March 17, 2025 showcasing the daily lives of young learners.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sa pagsuporta sa mga programa ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa National Women’s Month, muling pinagtibay ng Trabaho Partylist ang kanilang pangako na tugunan ang mga sistematikong bala­kid na kinakaharap ng mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan, lalo na sa larangan ng trabaho. 

Binibigyang-diin ang kahalagahan ng gender inclusivity at ang pangangailangan ng mga patakarang magpapalakas sa kababaihan, partikular na sa mga mahihirap at hindi gaanong napaglilingkurang sektor. 

Ayon kay Trabaho spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu, pa­ngunahing adbokasiya ng partido ang pagsusulong ng mga patakarang tutugon sa pangangailangan ng mga kababaihang mahihirap, na patuloy na nakararanas ng matin­ding hamon sa larangan ng ekonomiya, lipunan, at politika. 

Bagama’t bumubuo ng malaking bahagi ng labor force ang kababaihan, marami pa rin ang nakararanas ng mababang sahod, limitadong oportunidad sa promosyon, at kawalan ng seguridad sa trabaho, lalo na sa sektor ng magsasaka, katutubo, at maralitang tagalungsod.

WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with