‘Pag-aresto kay Duterte, isang hakbang tungo sa hustisya’

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng grupo ng mga Protestant at Non-catholic Churches ang pagdakip kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil isa umano itong hakbang tungo sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng extra judicial killings (EJK) sa bansa.
Sinabi ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) na kasama sa panalangin nila ang pag-aresto kay Duterte, dahil may tsansa na umano na magkaroon ng hustisya ang mga namatay sa ilalim ng “drug war” ng nakaraang administrasyon.
Sinabi ng NCCP na, kahit sinubukang takasan ni Duterte ang pananagutan sa mga EJK sa bisa ng utos nito na umalis ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), hindi pa rin ito sumapat dahil obligado pa rin na managot ang dating presidente sa mga taon na kabilang ang Pilipinas sa Rome Statue.
“It is our prayer as a Council that the developments that follow shall be guided by the principle of due process—a foundational principle of justice that thousands of poor Filipinos were deprived of during the violent and sham ‘drug war,’” saad ng NCCP.
“We hope this serves as an inspiration for all, and that truth and justice will prevail in the end, reinforcing the lesson that authoritarian regimes and their supporters shall not endure forever,” dagdag pa nito.
Nanawagan din ang NCCP sa mga Pilipino na manatiling maging mapagmatyag at kumampi sa tamang panig ng kasaysayan habang gumugulong ang kaso ni Duterte sa ICC.
- Latest