NTF-ELCAC binatikos pamumulitika ng Gabriela
MANILA, Philippines — Binatikos ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang lantarang paggamit ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas, at samantalahin nito ang sitwasyon ng paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ng task force, pinangalandakan ni Brosas at pinipilit na idinidikit ang NTF-ELCAC kay Duterte upang magulo ang usapin.
Sinabi ni Undersecretary Ernesto Torres Jr. Executive Director ng NTF-ELCAC na ang mga ‘patutsada’ ni Brosas na dapat nang binubuwag ang task force ay malinaw na pagsasawalang bahala nito sa insureksiyon na gawa ng kanyang mga kaalyadong mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Pagdidiin ni Torres, samantalang totoo, na ang NTF-ELCAC ay naitatag dahil sa Executive Order No. 70 noong panahon ni Pangulong Duterte, ang mandato nito ay puksain ang panggugulo ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng ‘whole-of-nation approach’.
Ani Torres, kung ididikit ni Brosas ang task force sa kanyang pamumulitika, iniinsulto nito ang mga ‘stakeholders’ na nagtutulong-tulong sa adhikain nito, lalo na at pinamumunuan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang Chairman.
- Latest