Pangulong Marcos‘di magdedeklara ng martial law!

MANILA, Philippines — Wala umanong planong magdeklara ng martial law si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna na rin ng mga idinaraos na pro-Duterte rally.
Ito ang paniwala ni House Majority Floorleader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na iginiit na pawang espekulasyon lamang ang mga kumakalat na balita na magdedeklara ng martial law si PBBM para pigilan ang mga protesta sa pagpapaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak din ni Garin sa publiko na tuloy ang halalan sa Mayo 12 at sa katunayan aniya ay abala si Pangulong Marcos sa pangangampanya sa senatorial cabdidates ng Alyansa sa Bagong Pilipinas pati na rin ang layunin nitong mapababa ang presyo ng mga bilihin.
“Napakalayo sa katotohanan nung fake news na magkaka-martial law. At saka isa pa, eh bakit nakikita naman todo ‘yung ikot ng Pangulo para mangampanya sa eleksyon? Kasi kung magde-declare ‘yan ng martial law wala na mag-eleksyon. So it’s really untenable, parang malayong malayo,” ani Garin na iginiit na abala ang administrasyong Marcos sa pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nagbabala rin si Garin na ang mga pagpapakalat ng fake news ay maaaring magresulta sa karahasan kasunod ng sinabi ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi pinangalagaan ang kalusugan ni Duterte.
“Paano ‘yung mga taong hindi nakakaintidi, baka maniwala, baka magkasakitan, baka may mga gawin…dahil nga sa pinanggalingang fake news? Who will be accountable, will the former executive secretary be accountable?,” sabi pa ng lady solon.
- Latest