^

Bansa

Abalos, tututukan mass housing sa Pinas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nais ni senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na gawin sa buong bansa ang matagumpay na programa ng Mandaluyong City sa pagbibigay ng abot-kaya ngunit disenteng pabahay para sa mga manggagawang mababa ang kita at mga pamilyang informal settlers.

Ang mas kahanga-hanga pa sa mga proyektong pabahay na sinimulan ni Abalos noong siya ay alkalde ng Mandaluyong ay ang pagtatayo ng mahigit 7,700 yunit ng pabahay para sa mga informal settlers at low-income earners mismo sa loob ng lungsod. “Nangarap akong mapasakanila ito. Binili namin ang lupa sa PNR (Philippine National Railways) hinati namin ito, nilaparan ang kalye at sabi namin hulugan ninyo ito.” ani Abalos.

Sa pagtatayo ng mga pabahay, sinabi ni Abalos na isinasaalang-alang nila na hindi dapat mailipat sa malalayong lugar ang mga benepisyaryo, dahil ito ay magdudulot ng karagdagang gastos sa pamasahe at iba pang pangangailangan sa kanilang pagpasok sa trabaho at paaralan. Batay sa datos, kasalukuyang may 6.5 milyong backlog sa pabahay para sa mga informal settlers at low-income families sa buong bansa.

ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->