NTF-ELCAC kumasa sa hamong pagkaso ng kabataan Partylist
MANILA, Philippines — Kumasa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa hamon ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na kanyang kakasuhan ang task force.
Sa pahayag ng NTF-ELCAC, ang kaso na isasampa ni Manuel laban sa kanila, ay maglalantad lamang ng katotohanan na siya ay may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Pinatutuloy ni Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., Executive Director of NTF-ELCAC na isampa na ni Manuel ang kaso dahil may mga ebidensiya sila laban dito.
Binigyan diin pa ni Torres, sapat ang ebidensiya nilang hawak na mga sinumpaang testimoniya ng mga dating NPA sa isang hearing sa Senado at iba pang mga pagpupulong na si Manuel ay kaisa nila.
Ang ‘key witnesses’ na hawak ni Torres ay sina Arian Jane Ramos, dating Secretary ng Guerilla Front 55 ng NPA sa Southern Mindanao Regional Command, at si Justine Kate Raca, isang dating NPA political officer.
Sa pagsasalaysay ni Raca noon daw na siya ay miyembro ng UP Student Regent noong 2017, malaking papel ang ginagampanan ni Manuel, lalo na sa pagre-recruit ng mga estudyante para mapabilang CPP-NPA.
- Latest