Doc Willie Ong Umatras sa senatorial race

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng tinaguriang Doktor ng Bayan na si Doc Willie Ong na hindi na siya tuloy sa pagtakbo sa pagka-senador sa 2025 midterm elections para mas matutukan ang kaniyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections so I can focus more on taking care of my health,” bahagi ng public announcement ni Ong nitong Pebrero 13, sa kaniyang Facebook account.
Nagpasalamat din si Ong sa mga tumulong at nananalangin para sa kaniya at nangakong susuporta sa mabuting pamamahala at nagtataguyod ng katulad niyang mithiin.
Aniya pa, “Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity.”
Si Ong mismo ang nagbunyag sa publiko na siya ay may taglay na sarcoma o abdominal cancer noong nakalipas na taon.
Gayunman, itinuloy niya ang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa layuning makapagserbisyo sa bayan tulad sa pagtakbo noong 2022 sa pagka-bise presidente bagamat hindi naging tagumpay.
- Latest