Free College Law ni Bam pinuri

MANILA, Philippines — Muling ipinahayag ng aktres na si Bea Binene ang kanyang suporta para sa independent senatorial candidate at dating Senador Bam Aquino sa People’s Campaign Kick-Off Rally sa Dasmariñas City Arena sa Cavite.
Sa kanyang maikling mensahe bago ipakilala si Aquino, binigyang-diin ni Binene ang kahalagahan ng Free College Law na isinulong ng dating senador. Ayon sa kanya, dahil sa batas na ito, maraming estudyante ang nagkaroon ng pagkakataong makapagtapos ng kolehiyo at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.
“Hindi na kailangang mag-promissory note, hindi na kailangang mangutang para makapag-exam ang estudyante. Ngayon, mas maraming pamilya ang may pag-asa. Mas abot-kamay na ng mga estudyante at kabataan ang edukasyon na maghahanda sa kanila para sa kinabukasan, at mas maraming pangarap ang matutupad,” wika ni Binene.
Ngayong 2025, muling tatakbo si Aquino bilang Senador, dala ang platapormang palawakin ang Free College Law para maabot ang mas maraming estudyante at matiyak na nakukuha nila ang subsidy para sa iba pang gastusin sa paaralan na nakapaloob sa batas.
Isinusulong din niya ang siguradong trabaho para sa mga Pilipino.
- Latest