Erwin Tulfo nananatiling numero uno sa Senate surveys
MANILA, Philippines — Muling namayagpag si ACT-CIS Representative at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa pinakabagong surveys ng Pulse Asia at OCTA Research para sa mga tumatakbong senador sa paparating na May 2025 Elections.
Sa Pulse Asia survey noong Enero 18 hanggang 25, numero uno si Tulfo na may 99% sa Awareness at 62.8% sa voting preference.
Samantalang sa OCTA survey na isinagawa noong Enero 25-31, nakakuha siya ng 70% voter preference.
Sa parehong survey, double-digit ang lamang ng dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development sa ibang kandidato.
“Nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinibigay ng taumbayan sa atin na alam po nating resulta ng ating walang-sawang pagsisilbi sa bayan at pagkampi sa mga inaapi nating kababayan,”ani ni Tulfo.
Simula nang maghain ng kandidatura sa pagka-Senador si Cong. Tulfo, hindi na ito natinag sa panguguna sa iba’t ibang surveys na ginawa ng iba-ibang kumpanya tulad ng Pulse Asia,Social Weather Stations (SWS), OCTA Research, at iba pa.
Isang beteranong mamamahayag bago pumasok sa serbisyo publiko bilang DSWD Secretary at ngayon bilang kinatawan ng ACT-CIS Partylist, patuloy si Cong. Tulfo sa pagiging kakampi ng inaapi.
- Latest