32% Pinoy nagsabing mas maayos buhay nila ngayon
![32% Pinoy nagsabing mas maayos buhay nila ngayon](https://media.philstar.com/photos/2024/06/15/4_2024-06-15_22-14-32.jpg)
MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Pinoy ang nagsabing mas mahusay ang kalidad ng buhay nila sa ngayon, kumpara noong nakaraang taon.
Sa pre-election survey ng Stratbase at Social Weather Stations (SWS), lumabas na 32% ng mga Pilipino (gainers) ang nagsabi na mas may kalidad na buhay ang kanilang nadarama, habang 25% ang nagsabing lumala ito (losers.)
Nasa 43% naman ang nagsabing walang nagbago kumpara sa isang taon na ang nakalipas.
Ang survey na ginawa noong Enero 17-20, 2025 ay nagpakita ng isang bagong marka ng mga nakakuha ng +7 (gainers minus losers), na inuri ng SWS bilang “high” bagamat nangingibabaw pa rin ang “very high” +13 noong Disyembre 2024 at Setyembre 2024, at katulad ng “high” +5 noong Marso 2024 at Disyembre 2023.
Pinakamataas na gainers score sa Balance Luzon sa +13, na sinundan ng Metro Manila sa high +9, Visayas sa high +2, at Mindanao sa fair.
Ayon sa Stratbase-SWS, ang 6 na puntos na pagbaba sa nationwide Net Gainers score mula Disyembre 2024 hanggang Enero 2025 ay dahil sa pagbaba sa lahat ng lugar maliban sa Balance Luzon.
Pinakamataas ang mga nakakuha ng net sa mga 18-24 taong gulang sa mahusay +34, na sinusundan ng 25-34 taong gulang sa napakataas +13, 35-44 taong gulang sa mataas +4, 45-54 taong gulang sa mataas +2, at 55 taong gulang pataas at fair na -2.
- Latest